IBINABA na sa White Alert ang Status ng Department of Social Welfare and Development – Disaster Response Command Center (DSWD-DRCC) kasunod ng Memorandum ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Sa nasabing Memorandum, ibinababa na ang Alert Status ng NDRRM Operations Center mula sa Blue o Emergency Condition patungo sa White o Normal Condition.
Kaugnay ito ng mga naging pinsala ng Habagat at magkakasunod na Bagyong “Crising”, “Dante”, at “Emong”.
Sa kabila nito sinabi ng DSWD na patuloy na imo-monitor ang Disaster-Related Incidents sa bansa para matiyak ang mabilis na pagresponde at paghahatid ng Relief Assistance.