Idineklara ang munisipalidad ng Allen, Northern Samar sa ilalim ng state of Stable Internal Peace and Security (SIPS) ng office of the Sangguniang Bayan, sa bisa ng isang resolusyon.
Ang deklarasyon ay sabayang ginanap sa pamamagitan ng ceremonial signing ng memorandum of understanding noong Feb. 5, sa Barangay Calarayan.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Acting Mayor Christian Lao at dinaluhan ng matataas na opisyal ng militar, pulisya, at lokal na pamahalaan.
Ang Allen ang kauna-unahang munisipalidad sa Northern Samar na pinagkalooban ng SIPS status matapos mapatunayan na malaya na ang kanilang komunidad mula sa insurhensiya.