NAGHANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 13,987 family food packs (FFPS) sa strategic areas sa Eastern Visayas para sa epekto ng madalas na pag-ulan sa rehiyon.
Ayon kay Nena Getalado, Officer-In-Charge ng DSWD Region 8 Disaster Response and Management Division, dahil sa stock ng food supplies na nagkakahalaga ng 96.49 million pesos ay sigurado na ang delivery ng relief goods sa sandaling maramdaman ang epekto ng malakas na pag-ulan sa anim na lalawigan sa Eastern Visayas.
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu
Sinabi ni Getalado na ang total stockpile na 103,211 FFPS ay nakaimbak sa warehouses ng iba’t ibang Local Government Units sa rehiyon, habang ang 34,767 ay nasa DSWD-8 Resource Operations Center sa Palo. Leyte.
Ang bawat FFP ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, apat na lata ng corned beef, apat na lata ng tuna flakes, dalawang lata ng sardinas, limang sachets ng kape, at limang sachets ng cereal drinks.