22 April 2025
Calbayog City
Entertainment

“Spider-Man” co-stars Zendaya at Tom Holland, engaged na!

ENGAGED na ang “Spider-Man” co-stars na sina Zendaya at Tom Holland, ayon sa u-s Media Reports, isang araw matapos maispatan ang aktres na may suot na huge diamond ring.

Nabulabog ang internet nang lumitaw ang bente otso anyos na si Zendaya sa red carpet, na may malaking bato sa kanyang ring finger, kaya naman nag-suspetsa na ang social media users.

Ibinunyag ng specialist outlet na TMZ, na nag-level up na nga ang relasyon nina Zendaya at Tom na nagsimulang mag-date noong 2021, matapos ipagdiwang ang pasko nang magkasama.

Ayon pa sa TMZ, nag-propose ang 28-year old british actor sa isang “very intimate setting” sa bahay ng pamilya ng aktres sa United States.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).