BINALAAN ng Department of Health (DOH) sa Eastern Visayas ang publiko laban sa water-borne diseases bunsod ng malakas na pag-ulan sa rehiyon na nagsimula noong nakaraang linggo.
Sa advisory, inihayag ng DOH regional office na posibleng magdulot ang pagbaha ng iba’t ibang sakit, gaya ng leptospirosis, cholera, typhoid fever, hepatitis a, influenza-like diseases, malaria, at dengue.
ALSO READ:
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu
Hinimok ng health department ang publiko na tiyaking malinis ang kanilang inuming tubig, lutuing mabuti ang pagkain at ilagay sa selyadong lalagyan ang mga tira, huwag hayaang maglaro sa baha o ulan ang mga bata, at ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.