12 July 2025
Calbayog City
National

SP Chiz Escudero, hindi minasama ang pagmimistulang ‘waiter’ para sa Unang Ginang

HINDI minasama ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pagkuha ni First Lady Lisa Araneta Marcos sa kanyang baso ng wine sa isinagawang Vin D’ Honneur sa Malakanyang noong  Miyerkules.

Ito ay makaraan ang komento ng ilang netizen sa kumalat na video footage na nagmistulang waiter si Escudero nang kunin ng Unang Ginang ang kanyang wine, ininom at saka ibinalik din sa kanya.

Sinabi ni Escudero na hindi kailanman minamasama ang anumang pagkakataon na maging at magpaka-maginoo sa sinumang ginang o binibini tulad ng pagiging waiter sa first lady.

Iginiit pa ng senate leader na palagi niyang pinaiiral ang Lady first para maging gentleman.

Maaari anyang sabihin ng iba na makaluma o parang under pero para sa kanya ay hindi kailanman ito magiging makaluma o di uso. Anuman anya ang itawag ng iba, ang pagiging maginoo at pakikipagkapwa tao ay makabubuti para sa lahat.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *