MAGPAPADALA ang South Korea ng Chartered Plane sa Atlanta para maiuwi ang mga manggagawang idinitine, kasunod ng malawakang Immigration Raid sa isang Car Battery Plant sa Georgia, ayon sa Korean Air spokesperson.
Sinabi ni President Lee Jae myung na makikipag-negosasyon ang Seoul sa Washington para magkaroon ng resonableng resolusyon sa sitwasyon, batay sa diwa ng alyansa.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Isang Korean Air Boeing 747-8i Plane na may 368 seats ang lilipad mula Incheon patungong Atlanta.
Sa isinagawang US Immigration Raid, nasa 300 South Koreans ang inaresto, kabilang ang 175 na iba pa ang inaresto sa site ng 4.3-Billion Dollar Hyundai Motor at LG Energy Solution na gumagawa ng Batteries ng Electric Cars.
