15 March 2025
Calbayog City
Overseas

South Korea, magde-deploy ng ‘’starwars’ laser weapons para targetin ang drones ng North Korea

MAGDE-DEPLOY ang South Korea ng laser weapons para pabagsakin ang drones ng North Korea ngayong taon.

Ayon sa Defense Acquisition Program Administration (DAPA) sa Seoul, ang South Korea ang magiging kauna-unahang bansa sa buong mundo na gagamit ng naturang weapons sa military.

Tinawag ng Seoul ang kanilang laser program na “starwars project.”

Ibinida ng Arms Procurement Agency na ang drone-zapping laser weapons ng South Korean Military na dinivelop kasama ang Hanwha Aerospace, ay epektibo at mura dahil 1.45 dollars lamang ang per shot, bukod pa sa tahimik at invisible.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).