22 April 2025
Calbayog City
National

SolGen, kailangan nang sibakin ni Pangulong Marcos, ayon sa Supreme Court Retired Justice

NANINIWALA ang isang retiradong mahistrado ng Korte Suprema na kailangan nang sibakin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Solicitor Menardo Guevarra.

Dahil ito sa pagtanggi ng SolGen na katawanin ang government agencies sa petisyong inihain sa Supreme Court kaugnay ng pag-aresto at pagdadala kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.

Inihayag ni Dating Senior Associate Justice Antonio Carpio na ang manifestation na inihain ni Guevarra ay taliwas sa posisyon ng gobyerno ng Pilipinas na ang pag-aresto kay Duterte ay isinagawa, alinsunod sa Republic Act 9851.

Aniya, napakasama ng nangyari dahil sinabi ni Guevarra na walang hurisdiksyon ang ICC sa bansa, at tila pinalalabas na mali ang pamahalaan na kanyang pinaglilingkuran.

Idinagdag ni Carpio na maaring gamitin din ng kampo ni Duterte ang recusal ng SolGen para maghasik ng panibagong intriga laban sa administrasyon.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.