PINASINAYAAN ng Provincial Government ng Leyte ang kanilang Solar Power System Project na mag-energize sa bagong Capitol Complex upang maging modelo ng renewable energy.
Sa official switch-on, hinimok ni Governor Carlos Jericho Petilla ang iba pang Local Government Units at Government Offices sa Lalawigan na gumamit ng renewable energy para makatipid sa bayarin sa kuryente at makapag-ambag sa Climate Change Mitigation Efforts.
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Anti-Insurgency Projects, nakumpleto na sa Sogod, Southern Leyte
Mahigit 20 dating miyembro ng NPA, nakumpleto ang Skills Training sa Northern Samar
Publiko, binalaan laban sa pekeng Tower at Satellite CONNECTION Deals
Ang proyekto na sinimulan noong kalagitnaan ng nakaraang taon ay mayroong initial budget na 70 million pesos, at mas mataas ang aktwal na nagastos dahil nagdagdag sila ng solar panels bunsod ng tumaas na energy demand.
Ang Solar Power System ay mayroong 500-kilowatt batteries at 420-kilowatt solar panels na naka-install sa magkabilang gilid ng designated parking spaces ng Provincial Government Complex.
Susuplayan nito ang 80 percent ng energy requirement ng Provincial Capitol.
