INAPRUBAHAN ng pamahalaan sa South KOREA ang pagsasagawa ng Snap Presidential Election sa June 3, kasunod ng pagpapatalsik kay President Yoon Suk Yeol matapos magdeklara ng panandaliang Martial Law.
Napagkasunduan ng gabinete ang naturang petsa kasunod ng diskusyon kasama ang National Election Commission, dahil kailangan nitong aprubahan ang public holiday para sa naturang halalan.
Pinatalsik sa Yoon ng Constitutional Court dahil sa paglabag sa kanyang official duty sa pamamagitan ng pag-isyu ng Martial Law Decree noong Dec. 3, 2024 at inatasan ang mga sundalo para pigilan ang parliamentary proceedings.
Alinsunod sa batas, kailangang magdaos ng presidential election sa loob ng animnapung araw kapag nabakante ang posisyon.