Isang estudyante ang nanaksak ng kapwa niya estudyante sa loob mismo ng paaralan sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte.
Ayon sa mga otoridad, sinaksak ng isang Grade 9 student ang nakaalitan nitong Grade 8 habang break time.
Agad namang isinugod sa ospital ang biktima na nasa ligtas nang kalagayan habang isinailalim sa counseling ang nanaksak na estudyante.
Inaalam pa ang pinagsimulan ng away ng dalawang mag-aaral.
Plano naman ng Dingras National High School na bumili ng metal detector para mapigilan ang pagpasok ng anumang bladed weapon sa loob ng paaralan.