IAAPELA ng Sonshine Media Network International (SMNI) ang desisyon ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa suspensyon sa dalawa nilang programa.
Sinabi ni SMNI Legal Officer Mark Tolentino na preventive suspension lamang ang ipinataw ng MTRCB at hindi naman penalty.
Ayon kay Tolentino, maghahain sila ng motion for reconsideration bago mag-Pasko.
Igigiit aniya nila na wala namang urgency o pagmamadali para suspendihin ang shows na “Gikan sa Masa, Para sa Masa” at “Laban Kasama ang Bayan”.
Nag-isyu ang MTRCB ng labing apat na araw na preventive suspension, effective Dec. 18 kasunod ng review at imbestigasyon sa umano’y mga paglabag sa content ng shows.