MAHIGIT dalawandaan libong manonood ang dumalo sa Sinulog Festival 2025 sa main venue nito sa Cebu City, kung saan itinampok ang mahigit apatnapu’t apat na dancing contingents.
Sa kabila naman ng nakapapasong init, hindi nagpatinag ang mga kalahok sa pagparada, kasama ang mga float at higantes.
ALSO READ:
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Wage Hike sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula epektibo sa Jan. 1
Mahigit 15K na iligal na vape units na kinumpiska mula sa Visayas, winasak ng BIR
Tiniis din ng libo-libong manonood na nag-abang sa mga gilid ng kalsada ang matinding init ng panahon, ang pagdaan ng parada na sinamahan ng masasayang musika, nakaiindak na sayaw, at makukulay na kasuotan. Ayon sa security forces, walang naiulat na untoward incidents, maliban sa float na tumirik dahil nagkaroon ng problema sa makina.
