NASA limanlibong deboto ang lumahok sa taimtim na prusisyon sa kapistahan ng Sto. Niño De Tondo sa Maynila, ayon sa Manila Police District.
Sinabi ni MPD Director, Police Brig. Gen. Arnold Thomas na walang untoward incidents na na-monitor sa Tondo at Pandacan na nagdiwang din ng pista ng Sto. Niño.
Tumagal ang prusisyon ng halos tatlong oras na dumaan sa mga kalsada sa paligid ng parish area.
Sa Pandacan naman, nasa labing walunlibo hanggang dalawampunlibong katao ang nanood ng Buling-Buling Festival noong Sabado.