ASAHAN ng mga customer ng Meralco ang mas mataas na bill sa kuryente ngayong buwan.
Bunsod ito ng pagpapatupad ng power distributor ng umento sa kanilang household rate.
ALSO READ:
Sa advisory, sinabi ng kumpanya na dinagdagan nila ng 26 centavos per kilowatt-hour ang kanilang singil sa kuryente ngayong Marso.
Nangangahulugan ito na ang mga kumu-konsumo ng 200-kilowatt hour ay tataas ng 52 pesos ang kanilang babayaran ngayong buwan.




