DUMATING na sa bansa ang nasa 3,270 metric tons ng imported na sibuyas, bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan para pababain ang presyo ng produkto sa merkado.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, nasa 2,300 metric tons ng pulang sibuyas ang pumasok sa bansa habang 970 metric tons ang puting sibuyas.
Una nang inaprubahan ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng 4,000 metric tons, na kinabibilangan ng 3,000 metric tons ng red onions at 1,000 metric tons ng white onions.
Kasunod ito ng pagsirit sa presyo ng sibuyas sa mga palengke na umabot sa dalawandaang piso ang kada kilo.