Nilinaw ni Zsazsa Padilla na wala siyang pambihirang sakit sa bato, kasunod ng kanyang operasyon.
Ginawa ng singer-actress ang paglilinaw sa kanyang Instagram page, kasabay ng pag-post ng kanyang litrato matapos tanggalin ang kanyang catheter.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Ibinida rin ni Zsazsa na naging mabilis ang kanyang pag-recover dahil sa pag-take niya ng collagen supplements.
Binigyang diin ng singer, na wala siyang rare kidney disease, gaya ng kanyang nabasa, at isinilang lamang siyang “structurally different.”
Una nang isiniwalat ni Zsazsa na kasinlaki ng sausage ang kanyang left uterer, na dapat ay manipis lamang na tubular structure na may 3 to 5-millimeter diameter.
Ang uterer ay ang tubo na dinadaluyan ng ihi mula sa bato patungong pantog.
