TINANGGAP ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang certificate of turnover mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa Sigo Bridge at Barral II Bridge.
Ang tulay ay ipinatupad sa ilalim ng “Tulay ng Pangulo para sa Kaunlarang Pang-agraryo” Program ng Department of Agrarian Reform (DAR).
ALSO READ:
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Ginanap ang turnover ceremony sa pamamahagi ng mga titulo ng lupa at support services sa Tacloban City Convention Center, sa Leyte.
Ang pagtanggap ni Mayor Mon ng certificate of turnover mula sa pangulo ay simbolo ng matagumpay na pagkumpleto at pagkakaloob ng mahalagang infrastructure project na pakikinabangan ng mga residente ng Calbayog City.
