PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. and idinaos na Special Bell-Ringing Ceremony bilang hudyat ng pormal na pagpapatupad ng Capital Markets Efficiency Promotion Act o Republic Act 12214.
Sa aktibidad na idinaos sa PSE Tower sa BGC, Taguig City, sinabi ng pangulo na layon ng naturang batas na mas gawing madali at abot-kaya sa mamamayan ng access sa pag-invest.
Sa bisa ng batas, ibinaba sa P10 mula sa dating P60 ang buwis kapag bibili ng stocks na nagkakahalaga ng P10,000.
Inalis na din ang buwis sa Mutual Funds at iba pang investment tools.
Para naman maisulong ang Retirement Security, sinabi ng pangulo na ang batas ay nag-aalok ng 50 percent na dagdag na Tax Deduction sa mga employer na mayroong eksakto o lagpas na Employee Contributions sa kanilang Personal Equity and Retirement Account (PERA).