LIMAMPUNG porsyento na ang Discount ng Senior Citizens at Persons with Disabilities (PWDs) sa pasahe sa MRT-3, LRT-1 at LRT-2.
Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Discount Program, kahapon, sa MRT-3 Santolan-Annapolis Station.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sinabi ng pangulo na makikinabang sa programa ang nasa labing tatlong Senior Citizens at pitong milyong PWDs.
Epektibo aniya ang 50% discount sa mga nabanggit na linya ng tren hanggang sa 2028.
Una nang pinagkalooban ng limampung porsyentong diskwento sa pasahe sa tren ang mga estudyante.
Inanunsyo rin ni Pangulong Marcos na operational na ang mga nakatenggang Dalian Trains na binili ng gobyerno noon pang 2014.