29 December 2025
Calbayog City
Province

Senior citizen na lalaki, patay matapos tamaan ng ligaw na bala sa Pampanga

PATAY ang isang animnaput anim na taong gulang na lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala sa Pampanga.

Nakaupo ang biktima sa labas ng kanyang bahay nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Police Colonel Eugene Marcelo, Pampanga Police Director, unang inakala ng matandang lalaki na may bumato sa kanyang dibdib, kaya nagtanong pa ito ung sino ang nambato sa kanya.

Makalipas ang ilang sandali ay may umagos ng dugo mula sa kanyang dibdib at kinalaunan ay idineklarang wala ng buhay sa ospital.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).