AMINADO ang nagbitiw na senate president na si Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri na heartbroken siya sa kinahinatnan ng kanyang liderato.
Sinabi ni Zubiri na hindi naman siya naging kalaban ng administrasyon subalit aminadong ang hindi niya pagsunod sa mga instructions ang naging dahilan ng tuluyang pagpapalit sa kanya bilang lider ng senado.
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Nangako naman ang senador na magpapatuloy siya sa pagsuporta sa independence ng senado, kasabay ng kanyang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya.
Malaking karangalan aniya ang paglilingkod sa taumbayan bilang senate president.
Inamin ni Zubiri na nalulungkot siya dahil ginawa niya ang lahat upang protektahan ang independence ng senado subalit iba talaga ang galawan sa pulitika kaya’t wala silang magagawa.
Taas noo pa rin aniya siyang magsisilbi bilang senador ng bayan.
Samantala, nagresign din sina Senador Joel Villanueva bilang Senate Majority Leader; Senador JV Ejercito bilang Senate Deputy Majority Leader at Senador Sonny Angara bilang Chairman ng Senate Committee on Finance at Senate Committee on Youth.
