MATAPOS magsilbi ng dalawang termino bilang senador, tatangkain ni Cynthia Villar na maging congresswoman, matapos ihain ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) bilang Lone District Representative sa Las Pinas.
Makakalaban ni Villar ang iba pang congressional bets, gaya nina Las Pinas City Councilor mark Anthony Santos; Professor Luisito Redoble; at 28-year-old Senior High School Teacher Barry Tayam – na lahat ay may layuning tapusin ang political dynasties.
Sinabi ni Villar na pinamana ng kanyang ama na mahalin ang Las Pinas at pinahahalagahan ito ng kanilang pamilya.