15 February 2025
Calbayog City
Province

Mag-Live in partner sa General Santos City, patay makaraang magsaksakan

WALA nang buhay ang mag-live in partner nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay matapos umanong magsaksakan, sa General Santos City.

Ayon sa mga kapitbahay ng mga biktima, nag-ugat ang insidente nang mag-away ang dalawa.

Problema sa pera ang isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga awtoridad na dahilan ng malagim na pag-aaway ng mag-live in partner.

Batay sa salaysay ng mga saksi, unang umatake ang babae hanggang sa maagaw ng lalaki ang patalim at gumanti ng saksak. 

Natagpuan ang katawan ng babae sa gate ng bahay habang nasa loob naman ng kwarto ang bangkay ng lalaki.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).