INAPRUBAHAN ng Senado ang resolusyon na nananawagan sa International Criminal Court na ilagay sa House Arrest si Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.
Sa isinagawang botohan, 15 senador ang pumabor sa House Arrest kay FPRRD, 3 ang tutol, 2 ang nag-abstain at 4 ang Absent sa botohan.
Ang tatlong senador na tumutol sa House Arrest ng dating pangulo ay sina Senators Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan at Bam Aquino.
Nag-abstain naman sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador Raffy Tulfo.
Ang Senate Resolution No. 144 ay inihain ni Senator Alan Peter Cayetano kung saan minumungkahi na manatili siya ang dating pangulo sa House Arrest – posibleng sa loob mismo ng Philippine Embassy sa The Hague habang hinihintay ang paglilitis sa kaniya.




