IPATATAWAG ng Independent Commission for Infrastructure sina Dating Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Dating House Speaker Martin Romualdez, at Dating House Appropriations Chair Zaldy Co.
Ayon kay ICI Executive Director Brian Keith Hosaka, padadalhan ng Subpoena ang tatlong personalidad para humarap sa Pagdinig ng ICI kaugnay ng Flood Control Scandal.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Magugunitang nanilbihan si Villar bilang DPWH secretary mula 2016 hanggang 2021.
Una na ring sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Lacson na padadalhan nila ng imbitasyon si Co bagaman batid nitong hindi ito sisipot dahil wala ito sa Pilipinas.
Habang ang imbitasyon naman kay Romualdez ay ipadadaan ng Senado kay House Speaker Bojie Dy bilang pagsunod sa prinsipyo ng Inter-Parliamentary Courtesy.
