PINADALHAN na ng imbitasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI si Senator Mark Villar para humarap sa imbestigasyon kaugnay ng Flood Control Projects.
Sa liham ng ICI kay Villar, hiniling nito na humarap ang senador sa komisyon sa October 7, alas 9:00 ng umaga.
ALSO READ:
Nakasaad sa liham na si Villar ay tetestigo Under Oath at magbibigay-linaw kaugnay ng proseso ng Planning, Budgeting, Execution, Supervision, at Monitoring sa Flood Control at iba pang Infrastructure Projects.
Hihilingin ng ICI na ilahad ni Villar ang proseso noong panahong siya ay kalihim pa ng Department of Public Works and Highways.
Ang liham ay nilagdaan ni Ret. Justice Andres Reyes na Chairman ng ICI.