MAGBIBIGAY ng 200 million pesos na tulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga biktima ng Magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.
Personal na binisita ni Pangulong Marcos ang mga biktima ng lindol sa lalawigan, kahapon.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Nasa 50 million pesos ang ibibigay ni Pangulong Marcos sa lalawigan ng Cebu at 20 million pesos sa Bogo City.
Habang tig-10 million pesos naman ang ibibigay ng pangulo sa Bantayan, Daanbantayan, Madridejos, San Remegio, Santa Fe, Sogod, Tabogon at Tabuelan.
Samantala, magkakaloob din ng 20 million pesos para sa lahat ng DOH-Run Hospitals sa Cebu at 5 million pesos para sa bawat Provincial Hospitals.
Kukunin ang pondo sa Office of the President.
Ang Department of Budget and Management naman ay magkakaloob ng 150 million pesos na halaga ng Local Government Support Fund para sa Cebu Province at 75 million pesos na LGSF para sa San Remigio, Bogo, at Medellin.
