UMAKYAT na sa 72 ang Death Toll mula sa malakas na pagyanig sa Cebu, batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Nilinaw naman ng NDRRMC na lahat ng Casualties ay isinasailalim pa sa Validation.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sa datos ng NDRRMC, 294 ang napaulat na nasugatan mula sa Magnitude 6.9 na lindol.
Umaasa si Office of Civil Defense (OCD) Region 7 Director Joel Erestain, na hindi na tataas pa ang bilang ng mga nasawi.
Samantala, walang naiulat na nawawala, base rin sa datos ng NDRRMC.
Gayunman, inihayag ni Erestain na sinusubukan ding hukayin ang mga Debris.
