NAIPROKLAMA na ng Commission on Elections bilang National Board of Canvassers ang tatlong Partylist Representatives na pumalit sa Duterte Youth matapos kanselahin ang Registration nito.
Ipinagkaloob kina Robert Raymond Estrella ng Abono Partylist, Arthur Yap ng Murang Kuryente Partylist at Alfred Delos Santos ng ang Probinsyano Partylist ang kanilang Certificates of Proclamation.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Ang Duterte Youth Party-list ay pangalawa sa mga Partylist groups na nakakuha ng pinakamataas na boto noong May 2025 Elections kaya tatlong Seats dapat ang makukuha nito sa Kamara.
Pero dahil nakansela na ng tuluyan ang kanilang Registration, nagproklama ang COMELEC ng tatlo pang Partylist group upang ang kanilang kinatawan ang papalit sa tatlong Seats na dapat sana ay sa Duterte Youth.
Magugunitang naglabas na ng Certificate of Finality ang COMELEC sa kanselasyon ng Registration ng Duterte Youth makaraang hindi magpalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order 30-araw matapos ang naging pasya ng COMELEC En Banc.
