“Red carpet na lang ang kulang” – ganito inilarawan ni Senator Risa Hontiveros ang aniya ay mistulang pa-fan meet ni Alice Guo pagbalik nito sa bansa matapos magtago sa batas.
Ayon kay Hontiveros sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senado sa Lunes (Sept. 9) ay maypagkakataon si Guo para sa “unli-pictures”.
Kaugnay nito ay pinaalalahanan ni Hontiveros ang mga nasa gobyerno na hindi dapat ginagawang social event ang pag-aresto sa isang puganteng sangkot sa patung-patong na kaso.
Si Alice Guo ay nahaharap sa human trafficking, money laundering, fake identity, gross misconduct, illegal recruitment and detention, at corruption.
Ayon kay Hontiveros, pinaglaruan ni Guo ang mga batas ng Pilipinas at ginamit nya ang posisyon niya para makapag-operate ang mga POGO na naging sangkot sa kidnapping, murder, human trafficking, at prostitution.
Napakarami aniyang kailangang ipaliwanag ni Guo sa senate hearing sa Lunes. Tiniyak ni Hontiveros na pagbabayaran ni Guo ang kaniyang pagsisinungaling, pagtago, pagtakas, at ang panloloko sa sambayanang Pilipino.