Walang nakikitang masama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapakuha ng larawan ng ilang opisyal at mga empleyado ng gobyerno kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos itong maaresto sa Indonesia.
Sa ambush interview sa Antipolo City, sinabi ni Pangulo Marcos na sa kanyang palagay ay bahagi na ito ng bagong kultura ng mga Pilipino.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Kaya nga aniya tinawag na selfie capital of the world ang Pilipinas.
Umani ng batikos ang larawan nina Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at PNP Chief Rommel Marbil kasama si Guo. Ayon sa mga netizen isang pugante si Guo subalit nagmistula itong celebrity dahil sa kabi-kabilang pagpapakuha ng larawan ng mga otoridad sa dating alkalde.
