13 July 2025
Calbayog City
National

Selebrasyon ng Labor Day, pinangunahan ni Pangulong Marcos sa Pasay City; pagkakaloob ng wage hike, kailangang masusing pag-aralan

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang selebrasyon ng Labor Day sa smx Convention Center sa Pasay City, kahapon.

Ang selebrasyon ngayong taon ay may temang “Manggagawang Pilipino, Kaagapay Sa Pag-unlad, Sandigan Ng Mas Matatag Na Bagong Pilipinas”.

Aabot sa mahigit 12,700 na trabaho ang alok ng 100 participating employers ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang mga available ng trabaho ay mula sa iba’t ibang sector gaya ng BPO, construction, wholesale and retail trade, tourism/hospitality, transport and logistics at health and wellness.

Nag-alok din ang TESDA ng libreng training programs sa robotics at mechatronics sa mga nakilahok sa jobs fair.

Habang ang Department of Health (DOH) ay nag-alok ng libreng medical consultation.

May mga kinatawan din ang iba pang ahensya ng gobyerno, gaya ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Bureau of Internal Revenue (BIR), National Bureau of Investigation (NBI), Pag-IBIG Fund, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Philippine National Police (PNP), Philippine Statistics Authority (PSA), Philippine Identification System (PhilSys), Social Security System (SSS) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa nasabing aktibidad, binati ni Pangulong Marcos ang mga awardees sa The Outstanding Workers Of The Republic (TOWER) ngayong taon at kinilala ang kanilang kontribusyon sa labor sector ng bansa.

Pinangunahan din ng Pangulo at ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma ang ceremonial distribution ng p6,450 na cash para sa mga piling benepisyaryo sa ilalim ng tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers (TUPAD) program.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).