PAPATAWAN ng Canada ng 25 percent na taripa ang 30 billion Canadian dollars na halaga ng US imports.
Ayon kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau, effective immediately ang kanyang direktiba.
ALSO READ:
18 anyos na babae na may mental health issues, salarin sa mass shooting sa paaralan sa Canada
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Ginawa ni Trudeau ang anunsyo, ilang oras matapos patawan ni US President Donald Trump ng 25 percent tariffs ang imports mula sa Mexico at Canada.
Idinagdag ni Trudeau na kukwestyunin ng Canada ang mga hakbang ng Amerika sa World Trade Organization at sa pamamagitan ng US-Mexico-Canada trade agreement.
Nagbabala rin ang Canadian Prime Minister na kung patuloy na iiral ang US tariffs, magpapatupad pa ang Canada ng 25% tariff sa 125 billion Canadian dollars na halaga ng US imports sa susunod na tatlong linggo.
