WALANG personal na dalaw mula sa pamilya ang kontrobersyal na contractor na si Sarah Discaya noong Pasko sa Lapu-Lapu City Jail sa Cebu.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera, limitado lamang si Discaya sa online visits, at karamihan ng kanyang interaksyon ay mula sa kanyang abogado.
ALSO READ:
Goitia: Sa West Philippine Sea, Hindi Nire-rebrand ang Soberanya
Bilang ng mga nasugatan dahil sa mga paputok, lagpas na sa 100 – DOH
Dating Executive Secretary Lucas Bersamin, itinangging siya ang “ES” na tinukoy sa “Cabral Files”
Final version ng 6.793-Trillion Peso Budget para sa taong 2026, aprubado na ng BICAM
Sinabi ni Bustinera na ang mga pagkain naman na pinadadala mula sa labas ay ini-inspeksyon muna bago payagang makapasok sa piitan.
Si Discaya, kasama ang walong dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Davao Occidental ay ikinulong sa Lapu-Lapu City Jail noong Dec. 19, matapos ilabas ng Korte ang kanilang warrants of arrest.
