LUMOBO na sa isandaan at labindalawa ang bilang ng mga nasugatan dahil sa mga paputok, ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Sa datos mula sa Department of Health (DOH), simula Dec.21 hanggang 28, Metro Manila ang nakapagtala ang pinakamataas na firework-related injuries na may 52 cases.
Zaldy Co, nagpadala umano ng “feelers” sa mga pari, ayon sa DILG chief
Dating Sen. Bong Revilla, bigong makapagpasok ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail, ayon sa BJMP
Impeachment complaint laban kay PBBM, nai-transmit na sa Office of the Speaker
VP Sara, kinasuhan ng plunder, malversation, at graft bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential at public funds
Sumunod ang Ilocos Region, labindalawa habang tig-siyam ang Central Luzon at Western Visayas.
Sa kabila nito, sinabi ng DOH na ang naturang bilang ng firework-related injuries ay mas mababa ng 26% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Karamihan sa mga nasugatan ay mga lalaki na edad lima hanggang labing apat.
Kabilang naman sa pangunahing dahilan ng injuries ay dulot ng 5-star, boga, kwitis, piccolo, pla-pla, at whistle bomb.
