SAMPU katao ang sugatan, kabilang ang anim na dinala sa ospital, makaraang pumalya ang escalator sa Taft Avenue station ng MRT-3.
Sa CCTV footage, makikita ang pila ng mga pasahero na nagmistulang domino nang biglang tumigil ang paakyat na escalator saka mabilis na umandar pababa.
ALSO READ:
Isa sa mga naapektuhang pasahero ang inihalintulad ang insidente sa isang eksena ng pelikula sa amerika na “Final Destination.”
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, naputol ang kadena ng escalator kaya ito pumalya.
Tiniyak naman ng management na sasagutin nila ang medical expenses ng mga naapektuhan ng insidente.




