Plano ng Greece na gawing legal ang pagpapakasal at pag-a-ampon ng same-sex couples.
Ayon kay Prime Minister Kyriakos (kir-ya-kos) Mitsotakis, magsusumite siya ng panukala sa gabinete kaugnay sa naturang hakbang sa tamang panahon.
Makikinabang aniya rito ang ilang bata at mag-asawa nang walang nasasagasaang karapatan ng mga Griyego.
Nilinaw naman ni Mitsotakis na hindi babaguhin ng isusulong na panukalang batas ang umiiral na panuntunan hinggil sa reproduction, na naglilimita sa pagiging magulang sa pamamagitan ng surrogacy sa single women at straight couples.