Nakiisa ang provincial government ng Samar sa sabayang paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Eastern Visayas noong Biyernes, Aug. 2, sa Tandaya Hall, Capitol Grounds, sa Catbalogan City.
Dumalo si Governor Sharee Ann Tan sa main event sa Tacloban City habang si Vice Gov. Arnold Tan ang nanguna sa BPSF sa Catbalogan.
Catarman, Northern Samar, idineklarang ‘Insurgency Free’
DPWH, humihirit ng 140 million pesos na Repair Fund para sa Calbiga Bridge sa Samar
19.5K seafarers, sinanay ng National Maritime Polytechnic sa unang 9 na buwan ng 2025
Malawakang pagbaha at Landslide, naitala sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Visayas
Sa naturang event, isanlibo dalawandaang benepisyaryo ang tumanggap ng financial assistance na nagkakahalaga ng tig-4,050 pesos sa ilalim ng TUPAD program ng Department of Labor and Employment.
Samantala, sa ilalim naman ng Ayuda sa Kapos Ang Kita (AKAP) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), siyamnaraang benepisyaryo ang tumanggap sa serbisyo fair ng tatlunlibong piso bawat isa.
Iba’t ibang government assistance ang itinurnover sa iba pang opisina ng gobyerno, gaya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Land Transportation Office (LTO), National Bureau of Investigation (NBI), Pag-IBIG Fund, Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), PNP, Department of Information and Communications Technology (DICT), at Social Security System (SSS).