IPRINISINTA ni Samar Governor Sharee Ann Tan sa isang executive session, kasama si Education Secretary Sonny Angara ang banner programs ng lalawigan, partikular ang para sa youth development.
Ipinahayag ni Tan ang pagnanais na makilala ang Samar hindi lamang bilang youth-friendly province, kundi bilang isang komunidad na kumakalinga sa proactive at future-ready change-makers.
ALSO READ:
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Rehabilitasyon sa Carigara Port sa Leyte, sinimulan na ng PPA
Tacloban journalist, hinatulan ng guilty sa terrorism financing
Pinapurihan naman ni Angara ang dedikasyon ng gobernador at ang mga hakbang ng lalawigan, kasabay ng paghanga sa iprinisintang magagandang programa at proactive approach ng provincial government.
Tiniyak din ng kalihim ang kanyang buong suporta sa mga naturang hakbangin, kabilang ang SIRAK Kabataan na Flagship Youth Development Program na inilunsad noong 2021.
