INILUNSAD ng Samar Provincial Tourism Office ang “Kuratsa” Dance Competition upang itaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa tradisyonal na sayaw sa lalawigan.
Sa kabila ito ng nag viral na video ng sayaw, kung saan ipinakita ang pagpapaulan ng pera, kasama si Governor Sharee Ann Tan.
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Sinabi ni Lemuel Palejaro, Senior Tourism Operations Officer na inimbitahan nila ang netizens na i-upload ang kanilang Kuratsa videos sa Facebook at gamitin ang official hashtag #kuratsasamarnon hanggang sa Sept. 1.
Aniya, siguraduhin lamang na naka-public ang video upang mapanood ito ng mga hurado.
Pipili ng Best 10 Kuratsa videos para maging Finalist na iaanunsyo sa unang linggo ng Setyembre, at magpe-perform sila ng live sa Sept. 12 sa Samar Convention Center sa Catbalogan City.
Ang Best Entry ay makatatanggap ng 30,000 pesos na Cash Prize, habang ang First at Second Runners-Up ay mayroong 20,000 pesos at 10,000 pesos.
Tatanggap naman ang pitong non-Winners ng tig-limanlibong piso.
