2 December 2024
Calbayog City
Metro

Sako-sakong basura nahakot ng MMDA sa Rizal Park na dinayo ng mga tao noong bagong taon

TAMBAK na mga basura ang nakulekta ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Rizal Park sa Maynila na dinayo ng publiko noong bagong taon.

Karamihan sa mga nahakot na basura ay bote, plastik, tirang pagkain, straw, at karton na iniwan ng mga namasyal sa lugar.

Sa paglilinis ng mga miyembro ng MMDA Metro Parkways Clearing Group, winalis, iniligpit at hinakot ang samu’t-saring basura.

Umapela naman ang ahensya sa publiko na ngayong 2024, sikaping maging responsableng tagapangalaga ng kalikasan, sa pamamagitan ng pagtatapon ng kalat sa tamang lugar at pagre-recycle ng basura na maaari pang mapakinabangan.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *