23 October 2025
Calbayog City
Local

Sa kauna-unahang pagkakataon, pamilya Tan ng Samar walang makakatunggali sa susunod na Eleksiyon

WALANG katunggali ang pamilya Tan sa susunod na eleksiyon sa 2025 sa lalawigan ng Samar.

Ito ay dahil unopposed o walang kumandidato sa top positions na kasalukuyang hawak ng mga Tan.

Sa pagtatapos ng filing ng certificate of candidacy araw ng Martes, October 8, 2024 ay walang nagsumite sa Provincial Office ng COMELEC ng posisyon sa pagka-gobernador kung saan si Sharee Ann Tan ay reelectionista. Wala ring humamon sa pagiging kongresista ni Representative Stephen James “Jimboy” Tan sa unang distrito ng Samar at kay Reynolds Michael Tan sa Ikalawang Distrito ng Samar.

Samantala, may humamon naman sa reelectionist Vice Governor na si Arnold Tan sa katauhan ni Martin Durmiendo na naghain ng kanyang COC bilang Vice Governor contender ng Liberal Party.

Ayon sa gobernadora, ito ang unang pagkakataon na walang humamon sa mga posisyon na hawak ng Partido Nacionalista.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).