Dumalo sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sa Gala Dinner sa 44th at 45th ASEAN Summits and Related Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic.
Suot ang maroon na long sleeves, dumating si Pangulong Marcos sa National Convention Center kasama si First Lady Liza suot ang Filipiniana long gown.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Sinalubong ang First Couple ni Lao PDR Prime Minister Sonexay Siphandone at may bahay na si Madame Vandara Siphandone.
Dumalo rin sa Gala Dinner ang iba pang world leaders gaya nina United States Secretary of State Antony Blinken, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, at India’s Prime Minister Narendra Modi.
Nagkaroon naman ng pagtatanghal kung saan ipinakita ang makulay na traditional cultural performances tampok ang top artists at local talents ng Lao.
Tema ng ASEAN Summits ngayon ang ‘Enhancing Connectivity and Resilience” na nakaangkla sa commitment ng Lao na mas connected at resilient na ASEAN.. Tinalakay ng ASEAN leaders ang regional at geopolitical challenges sa Indo-Pacific region.
