Magsasanib pwersa ang Asian Development Fund (ADB) at Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa paglulunsad ng bagong pondo upang palakasin ang private infrastructure sa Asia-Pacific.
Sinabi ng dalawang organisasyon na ang Leading Asia’s Private Infrastructure Fund 2 o LEAP 2, ay bubuhusan ng kapital na hanggang 1.5 billion dollars na ipagkakaloob ng JICA habang ang ADB ang magsisilbing Fund Manager at Administrator.
Ang LEAP 2 ang magiging successor fund ng LEAP na nagsimula noong March 2016 at nagtapos noong August 2023.