TARGET ng Department of Agriculture (DA) na tapyasan ang pork imports ng bansa ng 60,000 metric tons ngayong taon sa pamamagitan ng pagpapalakas ng lokal na produksyon.
Nais ng DA na i-substitute ang 10 percent ng imported pork o 60,000 metric tons ng domestic output hanggang sa pagtatapos ng taon.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Plano ng ahensya na abutin ang target sa pamamagitan ng kanilang 2.1-billion peso Modified Repopulation Program o kilala bilang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Program.
Tututukan ngayon sa Repopulation Program ng DA ang Sow-Weaner Operations kung saan magtatayo ng multiplier at production farms na mayroong artificial insemination.