Inilabas na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ruta para sa idaraos na MMFF Parade of Stars sa December 21 sa Maynila.
Ayon sa MMDA, sisimulan ang parada ganap na alas 2:00 ng hapon sa Kartilya ng Katipunan at magtatapos sa Manila Central Post Office.
Narito ang magiging ruta ng parada:
Mula Kartilya ng Katipunan:
- Natividad Lopez Street
- kakanan sa P. Burgos
- didiretso sa Jones Bridge
- Quintin Paredes
- Reina Regente Street
- daraan sa Recto Avenue
- Abad Santos Avenue
- Tayuman Street
- Lacson Avenue
- España Boulevard
- Nicanor Reyes St. (Morayta)
- C.M. Recto Avenue
- Legarda Street
- P. Casal Street
- Ayala Boulevard
- Taft Avenue
- T.M. Kalaw Street
- Roxas Boulevard P. Burgos Avenue
- daraan sa Jones Bridge
- Magallanes Drive hanggang makarating sa Manila Central Post Office
Pansamantalang isasara sa trapiko ang ilang lane sa mga lansangan na daraanan ng parada sa ganap na alas 12:00 nang tanghali.
Tampok sa parada ang mga dinisenyong floats mula sa 10 pelikulang kalahok sa MMFF.
Sakay ng mga float ang mga artista at iba pang personalidad mula sa industriya ng pelikulang Pilipino. Maraming tao ang inaasahang manonood at babati sa mga artista na kasama sa parada na inaasahang tatakbo ng 12 kilometro.