INATASAN ng Department of the Interior and Local Government ang lahat ng Local Government Units na maghanda na sa bagyong Opong.
Ayon sa DILG, maaaring maapektuhan ng bagyo ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, at Western Visayas.
ALSO READ:
Ang nasabing mga rehiyon ay naapektuhan din ng bagyong Nando.
Paalala ng DILG sa mga LGU ipatupad ang Critical Preparedness Measures sa ilalim ng “Operation Listo.”
Kailangan ding ihanda na ng mga LGU ang mga Supply at Equipment para sa Response Operations.




