NAGBABALA ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa mataas na posibilidad ng landslides at pagbaha sa 1,342 na mga barangay sa Eastern Visayas bunsod ng Tropical Storm Opong.
Ayon sa MGB, mula sa kabuuang bilang, 1,035 na mga barangay ang Highly Susceptible sa pagbaha habang 307 ang mataas ang posibilidad na tamaan ng landslides.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Nasa 90 ang Highly Landslide-Prone Communities sa Northern Samar; 81 sa Leyte; 65 sa Samar; tatlumpu sa Eastern Samar; dalawampu’t siyam sa Biliran; at labindalawa sa Southern Leyte.
Sa mga barangay naman na mataas ang tsansa ng pagbaha, 332 ay matatagpuan sa Samar; 239 sa Eastern Samar; 233 sa Northern Samar; 177 sa Leyte; at 54 sa Biliran.
Dahil dito, pinayuhan ang mga residente na manatiling alerto sa pagtaas o pagbaba ng baha, at bantayan ang mga lugar na malapit sa mga ilog, dalisdis, o mga daluyan ng tubig.
